Sunday, October 23, 2011

Preview: Pulitika mula sa aking mata

Una sa lahat, ako nga pala si Tommy Deogracias Castillo II. ID No. 109, nasa kursong Political Science. Hindi masyadong mahilig sa movies, hindi ako lumaking babad sa movies, hindi ko alam kung anong meron sa movies. Hirap ako makipag relate sa mga taong nakakapanood ng movies dahil wala akong insight sa mga sinasabi nila. Hindi ako makarelate. Ewan ko kung bakit, pero mas gusto ng mga mata ko na manood ng anime, cartoons. Mga bagay na detached sa totoong buhay, mga bagay na hindi pwede sa realidad. Mga bagay na nagpapagana ng imagination nga tao, mga bagay na hindi predictable. Pero dahil nasa subject ako na ito, kelangan kong mahalin ang movies. <3



Ang blog na ito ay para sa subject na CINEPOL (Cinema and Politics), section A-51, 2nd term, Academic Year 2011-2012 ng De La Salle University.



Ang purpose ng blog na ito ay para makumpleto ang isa sa mga pinakaimportanteng requirements sa subject na CINEPOL, ang maintindihan pa lalo ang Politics sa gamit ng mga pelikula bilang isang medium.

Bakit Pulitika mula sa aking mata: Dahil nga movies ang aming ginagawang medium para maintindihan pa lalo ang Politics, magkakaroon ng iba't ibang variations at points of contentions ang mga tao. Iba't ibang perspective at iba't ibang approach na ginagamit per movie. At dahil hindi traditional na pagtuturo-pagtuto ang nangyayari sa class, mas mainam na sabihin kong ang mga mapo-post ko dito sa blog ay mga bagay na naaayon sa perspective ko. Maaring mali, maaring tama, maaring kakaiba. Ito ang pulitika mula sa aking mata.



Medium na gagamitin: Aaminin ko mahina ako mag English, at di ganun kalalim ang Filipino ko. Naisip ko din na siguro mas maganda kung street language o salitang balbal ang gamitin ko. Taglish, Englog, Conyo, etc. Salitang pinakasanay ang isang normal na Filipino. Salitang naiintindihan ng isang normal na Filipino. Salitang ginagamit pang araw araw ng isang normal na Filipino. But of course for the bulk of the blogs that I will publish, I will use the medium most appropriate. Salamat sa pagbabasa.

Veni, vidi, vici.

No comments:

Post a Comment